Proyektong Opte

Isang pagguhit mula sa Proyektong Opte na nagpapakita ng mga iba't-ibang daanan sa isang bahagi ng Internet noong 2005

Ang Proyektong Opte (Ingles: Opte Project), na nilikha noong 2003 ni Barrett Lyon,[1] ay naglalayong bumuo ng isang tumpak na paglalarawan ng lawak ng Internet gamit ang grapikong biswal.[2][3] Naniniwala si Lyon na ang kanyang pagmamapa sa network ay maaaring makatulong sa pagturo ng mga mag-aaral nang higit pa tungkol sa Internet habang kumikilos din bilang isang sukatan na naglalarawan ng parehong pangkalahatang paglaki ng Internet at ang mga tukoy na lugar kung saan nangyayari ang paglago na iyon.[2] Hindi ito ang unang proyekto na may ganoong layunin; may mga iba bago ang proyektong ito, tulad ng Bell Labs Internet Mapping Project.

Ang proyekto ay nakakuha ng pansin sa buong mundo na itinampok ng Time,[4] Pamantasang Cornell,[5] New Scientist,[6] at Kaspersky Lab.[7] Sa karagdagan, ang mga mapa ng Proyektong Opte ay itinampok sa hindi bababa sa dalawang mga tanghalan sa sining tulad ng The Museum of Modern Art[8] at ang permanenteng tanghal na Mapping the World Around Us ng Museum of Science.[9] Hanggang ngayon, mayroong mga kopya ng iba't ibang mga mapa ng Proyektong Opte para mabili online sa pamamagitan ng pook-sapot ng proyekto.[10]

Hindi bababa sa 3 mga mapa ang ipinapakita sa pook-sapot ng Proyektong Opte (gayunpaman, tingnan "din" talababa na ito[11] para sa isang hindi "patay" na link sa isang snapshot na bersyon ng isang "Maps" na pahina mula sa pook-sapot na iyon na "nai-arkibo" - kagandahang-loob ng "Wayback machine " - sa isang araw noong gumagana pa ang naturang pook-sapot), at bawat isa ay kumakatawan sa isang biswal na snapshot ng Internet sa isang tiyak na punto ng oras. Ang unang snapshot ay kinuha noong 2003 at ang pinakahuli (ngayong Mayo 1, 2020) ay nakuha noong 2015.[12]

Ang lahat ng nilalaman ay nailathala sa ilalim ng isang lisensya ng Creative Commons,[13] at habang ang paggamit ng The Opte Image ay libre para sa lahat ng mga di-komersyal na aplikasyon, kinakailangan ang magbayad para sa ibang mga gamit.[10][14]

  1. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang opteFaq); $2
  2. 2.0 2.1 Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang opteAbout); $2
  3. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang visualComp); $2
  4. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang time); $2
  5. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang cornell); $2
  6. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang newscientist); $2
  7. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang kaspersky); $2
  8. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang moma); $2
  9. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang mappingWorld); $2
  10. 10.0 10.1 Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang opteLicense); $2
  11. "Maps". www.opte.org. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Oktubre 9, 2019. Here you will find static and dynamic 2D JPG/PNG images and 3D VRML maps of the Internet. These maps are built off of our database using two different graphing engines [...]{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang opteInternet); $2
  13. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang ccNonCommLicense); $2
  14. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang blyonPhil); $2

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search